November 25,2010
(phone ringing)
ako: hello
tita: nanganak na daw mommy mo
ako: ah! (medyo natulala) oh kamusta?
tita: lalake daw. Umuwi ka daw para makita mo.
ako: ah okey sige try ko this weekend.
Naganap na nga! Ipinanganak na ni mommy ang pangalawa niyang anak. Oo tama, after 22 years nagkaroon na ako ng baby brother. Eto siya oh. Everyone meet my brother.
Siya si Zian Thadeus. Sorry hindi ko alam ang last name niya. Honestly speaking hindi ko talaga alam. Sa mga hindi nakakaalam, magka-iba kami ng ama at ibang isyu na iyon. Balik tayo sa aking baby brother. Ipinanganak siya noong Nov.25,2010. Una ko siyang nakita Nov.28,2010, 3day old pa lamang siya noon. Hindi ako ganun ka excited makita siya. Sobrang ironic ng pakiramdam dahil mahilig ako sa babies subalit sa mga oras na iyon ay parang naiilang ako.
"Lukso ng dugo" syempre meron, unti-unti akong lumapit sa kanya at dumapa sa kama. Kinausap ko siya na parang matanda. "oh ang bagong baby.. naku ang ilong kapapango..(sabay tawa ko)". Nasa loob din ng kwarto ang mommy ko, kakaibang eksena yun sa buhay ko. Sa loob ng 22 na taon ay sanay ako na kaming dalawa lang ng nanay ko sa loob ng kwarto sa tuwing uuwi ako sa Laguna. Iba na nga...ibang-iba na, "may bago na" biro nga ng mga kaibigan ko at "hindi na ako favorite". Nakakatawang isipin na nagseselos ako sa isang batang wala pang muwang sa mundo. Hindi niyo naman ako masisisi diba? Sa tanda ko ng ito ngayon lang ako nagkaroon ng kapatid (may dalawa akong kapatid sa daddy ko pero ibang istorya din iyon). Siguro nga hindi pa ako sanay, at alam kong masasanay din ako sa ganitong lagay sa takdang panahon.
Hindi pa din siguro ako handa o mas tamang sabihin ko na hindi ko inihanda ang sarili ko. Hindi ako nagmamadali, unti-unti siguro at ayaw ko ng biglaan. Pero sa lahat ng mga naramdaman ko nung nakita ko siya isa lang ang tumatak sa isip at puso ko. Hindi man kami magkamukha, kapatid ko nga talaga siya at hindi na maitatangi yun! Ito ang pruweba! Tingnan mabuti ang tenga niya hahaha
Nakayupi din ang kanyang dalawang tenga |
Parang sa akin haha =P |
What?? Certified kuya ka na?? Wahahaha! Grabe, at least malalaman mo na ang feeling na maging panganay at magiging paranoid sa safety ng nakababatang kapatid. :p
ReplyDeleteyun ang hindi ko pa talaga napaghahandaan "ang maging paranoid dahil may kapatid". haha
ReplyDeleteWhat the heck! may blogspot ka na! nyahaha
ReplyDelete-Carlo
Palitan mo name mo ng BERO'S RECRUITMENT AGENCY or B.R.A! para pagtinype sa google ang bra ikaw agad ang lalabas hahah
ReplyDeletehndi lng sa tenga kau similar..:)
ReplyDeleteweh??? san pa???? hahah
ReplyDelete